Mahal Kong Bayan
Mahal Kong Bayan
Mahal ko ang bayan ko
Bandila nito'y may sinisimbolo
Mga bituin nito'y nag bubuo
Hindi matutumbasan ng kahit ano.
Mga pulong nag bubuklod
Hindi kayang ipag bukod
Mga tao rito'y sumusunod
Sa mga batas na itinaguyod.
Iisang wika, iisang bansa
Dapat tayo ay nagkakaisa
Sa isip, sa puso at sa gawa
Na dapat lagi nating tanda.
Dapat nating alagaan
Ipag laban ang ating bayan
Sa mga dayuhang walang karapatan
Para sa ating kalayaan.
Comments
Post a Comment